"aKing Ina"
January 15, 2007naNg ako'y bata pa
ikaw lagi ang aking kasama,
nang si ama ay namatay,
ikaw pa rin ang aking karamay.
nOong una ako'y humiling..
sana ikaw ay laging makapiling
hindi magkasakit o mamamatay,
para ako'y hindi na malulumbay.
dininig ng Diyos ang aking hiling
ngunit ito'y panandalian lamanG
ika'y namatay at inilibing
ako'y naiwang buhay at luhaan.
dahil sa iyong pagkawala'y labis na nasaktan..
iyak dito,iyak doon, iyak kahit saan..
hindi na nakikita ang matamis kong ngiti
na noo'y nakikita sa aking mga labi.
sa pagdaan ng panahon..
unti-unting nawawala
ang aking pangungulila
ngunit sakit sa aking puso'y di pa rin naglaon..
hindi ko masasabi na ika'y aking makakalimutan
dahil ikaw ay laging nasa aking puso't isipan
nasaan ka man ako'y masaya
dahil ikaw ang " aking INA!"


