aKing aMa
January 16, 2007sandali lamang tayong nagkasama
dahil ikaw ay maagang namayapa,
ngunit ang salitang ama sa aking puso’t isipan
ay hindi mawawala magpakailan pa man.
hanggang ngayon ako pari’y nasasabik
magkaroon ng amang napakabait
mayakap man lang kahit isang saglit
para maghilum ang aking pananabik.
alam kong ika’y nasa maayos na kalagayan
kasama ang puong maykapal na makapangyarihan
pati na rin ang iyong kabiyak sa buhay
na aking inang mahal kong tunay
ito na nga cGuro ang aking kapalaran
ang maagang mawalan ng minamahal sa buhay,
kya ngayo’y akoy nangungulila
sa aking mga magulang mahal kong lubusan.


